Entries for September, 2005

September 27th, 2005

so not me.

shet...nagpopost ako. matakot kayo baka magunaw na mundo. hehe.

 hmmm...gusto ko lang magtype. madaling araw na di pa rin ako inaantok. hagard. magastos magpuyat.

 ang bilis ng araw. patapos na ang pinakapasaway, yet pinakatambling (happy) kong sem. dropped math 2...(oo math 2 lang!!) dahil sa katamarang pumasok ng maaga. passive failing (term given by cla) sa bio 12....after the 3rd exam naghahyper ventilate na ko pag nakakarinig ng kahit anong related sa bio 12...so yun, di na lang ako pumasok. ang 150 at 140...most "taken for granted" na sujects at prof this year. mas marami pang absences kesa pinasok. hahahahahaha! ang 115 ko....na dahil din sa katamaran ay natambak ang late papers.  pero kebs. i'm still here. ni hindi ako kinakabahan sa mga 5 coming my way. numbers lang yung grades. di maikukumpara sa naeexperience ko outside class. uy nag-rationalize si bakla....defense mechanism at work. yak. hehe.

 "eh baket tambling yung sem mo?"...naiimagine ko si jr saying that  with the flowery board shorts, racerback top, headband, black silky hair, and nanunuksong smile. tae ka talaga bakla. well anyways....tambling sya dahil maraming pagbabago. may malaki, may maliit. may significant, merong wala lang. ayun. kaya tambling. "wehh..pa-safe!!! aminin mo na...inlab ka eh!!!"...yan sunod nyang ihihirit. at ang gagawin ko, kukuha ko electric shaver at kakalbuhin sya. hahahahahaha! wala lang. overactive imagination ko ngayon.

 pero gusto ko lang iclear...independent events (tama ba?) yung pagiging pasaway at pagkatambling ng sem ko. meaning, di nila nainfluence ang isa'-isa. wala lang. hehehe. so next sem, pwede pa rin maging tambling (sana maging tambling pa rin) pero di na ko pasaway. keri.

haaay....alam nyo ba? sabi ko nga hindi eh. yaaaak. labo. hehe.

 wala na. di ko na alam isusulat ko.  salamat na lang sa pagspend ng ilangminuto ng buhay nyo sa pagbasa ng mga kermi ko.

 sa mga may exam....at papers.......inom na lang tayo. hahaha!

 babay 1st sem....the best ka talaga!! ahihiihihihihihi! labo mehn.

 

Currently listening to: photocopier
Currently feeling: not sleepy
Posted by tambolista at 12:12 AM | chumenelar